PUBLIC ADVISORY
ARRIVAL OF NEW PASSPORTS AND ONLINE APPOINTMENT SYSTEM FOR RELEASING AND PICK-UP
(As of 31 May 2020)
Malugod po naming ipinapa-abot ang pagdating ng mga bagong pasaporte para sa mga kababayan nating nag-file ng applications mula ika-13 ng Marso hanggang ika-5 ng Mayo 2020.
Upang maging maayos ang pagkuha ng mga bagong pasaporte at sang-ayon sa physical/social distancing guidelines ng Ministry of Health (MoH) ng Brunei, ipapatupad po ng Embahada ang Online Appointment System para sa pag-claim ng mga bagong pasaporte simula ngayong Lunes, ika-01 ng Hunyo 2020.
Ang mga walk-in clients ay papa-alalahan po bago pumasok sa Embahada na mag-set muna ng appointment bago makuha ang bagong pasaporte.
Hinihikayat po namin ang lahat na mag-takda ng appointment para sa pag-claim ng kanilang pasaporte sa sumusunod na link:
https://bruneipepassportrelease.setmore.com/
Maari din pong mag-takda ng appointment sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa Facebook Page ng ating Embahada: @phinbrunei, o pagtawag sa Consular Hotline: +673 729 1937.
Maaaring kumpirmahin kung ang pasaporte po ninyo ay maaari na makuha sa Embahada sa aming website:
https://bruneipe.dfa.gov.ph/newsroom/announcements
Magbubukas din po ang Consular Section ng ating Embahada para lamang po sa pag-release ng pasaporte kada Linggo ngayong buwan ng Hunyo:
ika-7, 14, 21 at 28 ng Hunyo 2020
Maraming salamat po.