MENU

May magaganap na CONSULAR OUTREACH ON WHEELS (COW) at POST-ARRIVAL ORIENTATION SEMINAR (PAOS) SA KUALA BELAIT sa darating na Linggo, ika-10 ng Hulyo 2022, 9:00 a.m.- 3:00 p.m., sa NSey Hotel, Jalan Bunga Raya, Kuala Belait.

Ang mga serbisyong konsular na ipaaabot sa ating mga kababayan sa Kuala Belait at Seria ay pag-renew ng pasaporte, pagpapa-notaryo ng mga dokumento, pagpapa-rehistro ng dokumentong sibil, atbp. Magbibigay din ng kanilang mga serbisyo ang POLO, OWWA at SSS.

Magkakaroon din ng Post-Arrival Orientation Seminar (PAOS) para sa mga bagong saltang Pilipinong mangagawa sa Brunei. Ang PAOS ay magbibigay ng karagdagang impormasyon ukol sa mga serbisyo ng Pasuguan at kanyang mga katuwang na ahensiya.

Upang makilahok sa COW at PAOS, inaanyayahan ang mga Pilipinong taga-Kuala Belait at Seria na mag-rehistro sa link na:

https://bruneipesundayconsularservices.setmore.com/

Maraming salamat po!