Sa gitna ng pag-akyat ng bilang ng mga kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Brunei Darussalam, hinihikayat po ng ating Embahada ang lahat ng ating mga kababayan na maging mapag-matyag at manatiling nakatutok sa mga mahahalagang pahayag at anunsiyo ng Ministry of Health (MOH) ng Brunei Darussalam na nakasaad sa official website nito:
http://www.moh.gov.bn/SitePages/COVID-19.aspx
Nilalaman po ng MOH website ang mga kaukulang hakbang at pamamaraan kung paano natin mapapanatiling ligtas ang ating mga sarili mula sa COVID-19. Kabilang nito ang mga sumusunod:
* Observe good personal hygiene;
* Practice frequent hand washing with soap and clean water or using hand sanitiser (especially before handling food or eating, after going to toilet, or after coughing or sneezing);
* Wear a mask if you have respiratory symptoms such as a cough or runny nose;
* Cover your mouth with a tissue paper when coughing or sneezing, and dispose the soiled tissue paper in the rubbish bin immediately;
* Observe social distancing measures such as non-touch social greetings e.g. no handshakes; avoid sitting close to other people in public places; and avoid congested areas especially for high-risk people such as those suffering from chronic diseases (diabetes, cardiovascular disease, kidney disease, respiratory and cancer), pregnant women and the elderly.
* Avoid close contact with people who are unwell or showing symptoms of illness such as high fever, cough or breathing difficulties;
* Avoid visiting people who are unwell if you are feeling unwell or have symptoms of infection;
Ang mga “preventive measures” po na mga ito maaring makakatulong upang makaiwas mula sa pagka-hawa sa COVID-19. Subalit batid po ng Embahada na hindi maiiwasan ang pakikipag-salamuha sa publiko at sa ibang tao dala ng ating mga trabaho at iba pang mga gawain, at maging sa loob ng lugar na ating tahanan. Kapag umabot po sa punto na magsimula kang makaranas ng mga flu-like symptoms kagaya ng pananakit ng katawan, lagnat at pag-uubo, maari pong gawin ang mga sumusunod:
- 1.Huwag pumasok sa trabaho at manatili sa loob ng bahay.
- 2.Tawagan ang mga sumusunod na numero:
- 148 -Health Advice Line for COVID-19 (available 24 hours)
- 238 1380 / 238 1383 – Brunei Health Line (during office hours)
- 123 (after office hours)
- 3.Sabihin ang inyong karamdaman at sagutin ng maayos at kumpleto ang lahat ng mga katanungan ng call attendant/staff.
- 4.Sundin ng talima ang ibibigay na mga payo at habilin tungkol sa mga susunod na hakbang na iyong kailangang gawin.
- 5.Ipaalam sa inyong employer ang inyong sitwasyon.
- 6.Maaari din niyong tawagan ang Embahada kung kinakailangan niyo ng anumang inpormasyon at payo tungkol sa inyong kalagayan.
+673 871 4881 - Assistance-to-Nationals Hotline Number
+673 729-1937- Consular Hotline Number
(via call or text/ direct/ Whataspp/ Viber):
Sisikapin po ng ating Embahada na makipag-ugnayan sa Ministry of Health ng Brunei tungkol sa inyong kondisyon at upang maipaabot ang inyong kalagayan sa inyong mga kamag-anak sa Pilipinas.
Sa mga susunod na araw ay maglalabas po ang Embahada ng Updated Advisories patungkol sa COVID-19 situation. Manatiling nakatutok sa aming FB page at official website www.bruneipe.dfa.gov.ph.