(As of 18 March 2020)
Sa kabila ng ipinapatupad na “Enhanced Community Quarantine” sa buong Luzon simula noong Marso 17, 2020, ipinapaalam po ng Embahada sa ating mga kababayan na magkakaroon ng pagka-antala o delay sa pagpapadala at pagdating ng mga bagong pasaporte mula sa Pilipinas. Ang delay po na ito ay inaasahan naming maaayos sa panahon na matapos ang “quarantine period” sa Pilipinas.
Para po sa ating mga kababayan na nag-aantabay sa pag-release ng kanilang bagong pasaporte, kung kayo po ay magkakaroon ng agaran at kinakailangang paglalakbay (urgent and necessary travel), maaari po kayong tumawag sa aming Consular Hotline (673) 729 1937 para sa kaukulang inpormasyon at tulong. Maaari din pong tumawag sa numerong ito kung kayo ay mayroong anumang katanugan tungkol sa inyong pasaporte.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at panatag po kaming umaasa at nanalangin na mananatiling ligtas ang lahat ng ating mga kababayan dito sa Brunei Darussalam mula sa sakunang dulot ng COVID-19.