MENU

(As of 17 March 2020)

 Dahil sa lumalalang sitwasyon na dulot ng COVID-19 sa buong mundo, maraming mga bansa ang naglatag ng mga bagong “travel restrictions” o pagpigil sa biyahe bilang pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat nito.

Ang mga sumusunod na alituntunin ng Brunei Darussalam at ng Pilipinas ay aming ipinapaabot para sa kaalaman at inpormasyon ng ating mga kababayan:

A.PATAKARAN NG BRUNEI DARUSSALAM

Batay sa anunsyo ng Ministry of Health, ang mga sumusunod na hakbang ay kasalukuyan ng ipinapatupad:

 

1.Maaari pa ding pumasok ang mga Filipino citizens sa paliparan ng Bandar Seri Begawan subalit kinakailangang sumailalim sa self-monitoring na may tagal ng labing-apat (14) na araw simula sa pagdating sa Brunei.

Kalakip ng post na ito ang Travel Advice patungkol sa mga nanggaling sa Pilipinas (Category C).

 

2.Pagpigil sa pag-biyahe palabas ng Brunei Darussalam para sa:

  1. a)Brunei Darussalam citizens;
  2. b)Permanent residents na may hawak na Purple Identity Card (IC) at valid Entry Permit;
  3. c)Mga dayuhan na may hawak na Green Identity Card (IC); at
  4. d)Mga asawa at anak ng mga kabilang sa sa (a) (b) at (c) na may hawak na IC.

3.Ang pag-biyahe ay maaaring payagan lamang para sa mga nangangailangan ng agaran na atensyong medical, pag-attend sa mga paglilitis sa korte sa ibayong dagat o ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa.

 

4.Ang mga dayuhan na nasa Brunei Darussalam bilang turista ay maaari pa ding lumabas ng bansa.

 

5.Ang mga nais mag-biyahe ay kinakailangang kumuha ng pahintulot mula sa Prime Minister’s Office (PMO) sa pamamagitan ng pag-file ng application sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. kalakip ang mga kaukulang dokumentasyon.

Kalakip po sa post na ito ang mga Guidelines at application forms.

 

B.PATAKARAN NG PILIPINAS

Batay sa pagpapatupad ng ating pamahalaan ng “Enhance Community Quarantine” sa buong Luzon, ang mga sumusunod na patakaran at alituntunin ay kasalukuyang isinasagawa at ipapatupad ng Bureau of Immigration:

 

1.Ang mga pasahero na paalis ng Pilipinas, anuman ang nasyonalidad, ay pinahihintulutan na umalis ng bansa sa loob ng pitumpu't dalawang (72) na oras mula sa bisa ng Enhanced Community Quarantine (hanggang sa ika-20 Marso 2020).

2.Ang mga pasahero na papasok sa Pilipinas, na manggagaling sa mga bansa na may ipinataw na mga paghihigpit sa paglalakbay, ay pinahihintulutang makapasok sa Pilipinas ngunit kailangan nilang sumailalim sa mga quarantine procedures na itinakda ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

 

3.Lahat ng mga Filipino citizens na papasok sa Pilipinas, kabilang ang kanilang asawa at mga anak, gayundin ang mga dayuhan na may hawak ng Permanent Resident Visa, at ang mga may hawak ng 9E diplomatic visa, ay pinahihintulutang makapasok sa Pilipinas ngunit kailangan nilang sumailalim sa mga quarantine procedures na itinakda ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

Sang-ayon sa mga bagong patakaran na ito ng pamahalaan ng Brunei Darussalam at ng Pilipinas, hinihikayat ng Embahada ang ating mga kababayan dito sa Brunei Darussalam na ipagpaliban muna ang anumang pag-biyahe na hindi “urgent” o agarang kinakailangan. Kung hindi maiiwasan ang pag-biyahe, maaari lamang pong sundin ang prosesong itinakda ng pamahalaan ng Brunei Darussalam upang makalabas ng bansa.

 

Para po sa ating mga kababayan na kinakailangang mag-biyahe, alamin muna mula sa inyong airline company ang mga updated Travel Advisories sa mga bansa na inyong pupuntahan.

 

Kaugnay dito, ang mga kababayan natin na magtatapos na ng kontrata at kinakailangan ng bumalik ng Pilipinas, ay maaaring tumawag sa aming mga hotline numbers para sa kaukulang inpormasyon o kaukulang tulong:

          ATN Hotline                -        +673 871 4881

          Consular Hotline       -        +673 729-1937

          POLO-OWWA            -        +673 729-1316

 

Maraming salamat po at sana ay manatili po tayong ligtas mula sa COVID-19.