MENU

(As of 18 March 2020)

Sa kabila ng ipinapatupad na “Enhanced Community Quarantine” sa buong Luzon simula noong Marso 17, 2020, ipinapaalam po ng Embahada sa ating mga kababayan ang anunsiyo tungkol sa pag-suspende ng Cebu Pacific Air (CebuPac) sa lahat ng mga international at domestic flights nito.

Maaari pong mabasa at masundan sa link na ito ang mga mahalagang impormasyon ukol sa rebooking, travel fund at refund ng inyong mga tickets:

https://www.cebupacificair.com/Pages/travel-advisory?tid=502

Ang Royal Brunei Airlines (RBA) ay nag-anunsiyo din ng pag-suspende at pagbawas ng mga international flights nito, kasama na rin ang mga ruta papuntang Maynila at pabalik ng Brunei.

Para sa impormasyon ukol sa mga panibagong flight schedules ng RBA papuntang Maynila at pabalik ng Brunei, sundan po lamang ang link na ito:

https://www.flyroyalbrunei.com/brunei/en/covid-19-updates/

Hinihikayat po namin ang lahat ng ipagpaliban muna ang anumang pag-biyahe palabas o papasok ng Brunei, at kung hindi po ito maiiwasan ay mangyari lang pong tawagan ang mga airline companies na ito para maiwasan ang anumang abala.

Maraming salamat po at panatag po kaming umaasa at nananalangin n asana ay manatili po tayong ligtas mula sa sakunang dulot ng COVID-19.