MENU

(As of 20 March 2020)

Mga Kababayan:

Ang atin pong Embahada ay pinupuntahan ng humigit-kumulang na 150 hanggang 250 na mga kliyente mula sa publiko kada araw. Dahil po sa mataas na bilang ng mga tao na aming nakakasalamuha, hindi po malayo ang posibilidad na maaaring maging daluyan ang lugar ng ating Embahada sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Sa patuloy naming pagsusumikap na mapangalagaan at mapanatiling ligtas ang ating mga kababayan sa Brunei Darussalam mula sa pagkahawa sa COVID-19, ang Embahada ay magpapatupad ng mga sumusunod na alituntunin sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko:

  1. Simula ngayong MARTES, ika-24 ng Marso 2020, ang operating hours ng Embahada ay mababago sa mga sumusunod na oras:

9:00AM – 3:00PM (Lunes hanggang Huwebes)

9:00AM – 12:00NN (Biyernes)

  1. Ang pagbibigay ng serbisyo ay isasagawa sa pamamagitan ng BY APPOINTMENT ONLY.

Ang lahat na pupunta sa Embahada ay kinakailangang magtakda ng appointment para sa serbisyo na kakailanganin, kasama ditto ang mga serbisyong ibinibigay ng POLO-OWWA, SSS at Pag-IBIG.

Para makapag-set ng appointment, maaari pong pumunta sa site na ito at sundin ang mga kaukulang hakbang:

https://bruneipe.setmore.com/bookappointment

Maaari din pong tumawag sa aming Hotline numbers para mag-set ng appointment:

Consular Services Hotline                          729-1937
Assistance-to-Nationals Hotline                871-4881
POLO Hotline                                               729-1316
OWWA Hotline                                             729-1315
SSS                                                                726-8424
Pag-IBIG                                                        883-0326

            Layunin ng appointment system na ito na maiwasan ang maramihang        pagsasama ng mga tao sang-ayon sa protocols ng Ministry of Health ng        Brunei Darussalam patungkol sa “social distancing.”

  1. Ang mga aplikante na walang appointment (walk-in clients) ay maaaring mabigyan ng serbisyo depende sa uri at “urgency” ng serbisyong kanilang kailangan.

  1. Sang-ayon dito, ang mga sumusunod na serbisyo ay pansamantalang ipagpapaliban muna ng Embahada:

  1. Ang pagpapa-renew ng pasaporte na sa 2021 pa mage-expire;
  2. Ang pag-apply ng anumang uri ng Visa papunta ng Pilipinas;
  3. Application para sa “solemnization of marriage”
  4. Pagpapa-notaryo o pag-legalize ng mga dokumento kagaya ng Special Power of Attorney, Affidavits, Certicications), maliban kung makapag-presenta ng dokumento na nagpapatunay sa agarang pangangailagan nito (proof of urgency).

  1. Ang Embahada ay patuloy na tutugon sa anumang “urgent requests for assistance” mula sa ating mga kababayan na nangangailangan ng agarang atensyon.

  1. Mariin po naming hinihikayat ang lahat na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Embahada kung ang inyong transakyon o pakay ay hindi po “urgent” o “essential.”

Hinihingi po namin ang paumanhin at pag-unawa ng ating mga kababayan sa anumang gambala o abala na maidudulot ng mga pansalamantalang alituntunin na ito. Ang prioridad po namin sa mga panahon na ito ay ang kaligtasan nating lahat.

Patuloy po kaming umaasa at nanalangin na mananatiling ligtas ang lahat ng ating mga kababayan dito sa Brunei Darussalam mula sa sakunang dulot ng COVID-19.