PAGPAPATUPAD NG APPOINTMENT SYSTEM
PARA SA PAGBIBIGAY NG SERBISYO NG EMBAHADA
(As of 24 March 2020)
Mga Kababayan:
Muli po naming ipinapa-alala ang pagpapatupad ng BY APPOINTMENT ONLY para sa pagbibigay ng serbisyo ng Embahada mula 9:00 am hanggang 3:00 pm. kada Lunes hanggang Huwebes at mula 9:00 am hanggang 12:00 ng hapon kada Biyernes.
Simula ngayong araw na ito (MARTES, ika-24 ng Marso 2020), istrikto na pong ipinapatupad ng Embahada ang appointment system na ito. Maaari pong hindi papapasukin sa Embahada ang mga kliyente na walang appointment.
Layunin ng appointment system na ito para ma-kontrol at maiwasan ang maramihang pagsasama ng mga tao sang-ayon sa protocols ng Ministry of Health (MOH) ng Brunei Darussalam patungkol sa “social distancing.”
Alalahanin po natin na sang-ayon din sa health safety protocols ng MOH, maaaring pansamantalang itigil ang operasyon ng ating Embahada kapag nagkaroon ng isang positibong kaso ng COVID-19 na pumasok o namalagi sa loob ng Embahada. Upang maiwasan po ang ganitong sitwasyon, mariin naming ipinapaki-usap sa lahat na bago pumunta sa Embahada ay mangyari lamang pong magtakda ng appointment para sa serbisyo na kakailanganin, kasama dito ang mga serbisyong ibinibigay ng POLO-OWWA, SSS at Pag-IBIG.
Para makapag-set ng appointment, maaari pong pumunta sa site na ito at sundin ang mga kaukulang hakbang:
https://bruneipe.setmore.com/bookappointment
Maaari din pong tumawag sa aming Hotline numbers para mag-set ng appointment:
Consular Services Hotline 729-1937
Assistance-to-Nationals Hotline 871-4881
POLO Hotline 729-1316
OWWA Hotline 729-1315
SSS 726-8424
Pag-IBIG 883-0326
Mariin din po naming hinihikayat ang lahat na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Embahada kung ang inyong transakyon o pakay ay hindi po “urgent” o “essential.”
Hinihingi po namin ang paumanhin at pag-unawa ng ating mga kababayan sa anumang gambala o abala na maidudulot ng mga pansalamantalang alituntunin na ito. Ang kalusugan at kaligtasan ng lahat ay ang aming prioridad sa ngayon.
Hiling po namin ang inyong tulong na ipaabot ito sa lahat ng miyembro ng inyong pamilya, mga ka-trabaho, mga kaibigan at mga kakilala sa Filipino community.
Maraming salamat po!