MENU

May kilala ba kayong kapuri-puring mga indibidwal na Pilipino o samahan dito sa Brunei?

lnaanyayahan ng Pasuguan ng Pilipinas ang ating mga kababayan na magsumite ng nominasyon para sa 2014 Parangal ng Pangulo para sa mga Indibidwal at Samahang Pilipino sa Ibayong-Dagat.

Ang nasabing parangal ay iginagawad tuwing dalawang taon ng Pangulo  ng Pilipinas sa mga natatanging indibidwal at organisasyon sa ibang bansa bilang pagkilala sa kanilang paglilingkod sa mga Pilipino at sa bayan, at sa kanilang mga natamong tagumpay.

Ang apat na kategorya ng parangal ay ang mga sumusunod:

  1. Lingkod sa Kapwa Pilipino o Gawad LINKAPIL, na para sa mga samahang Pilipino o indibidwal na nakatulong sa pagbangon, pagsulong, at pagpapaunlad ng Pilipinas;
  2. Gawad Banaag, na para sa mga samahang Pilipino  o  indibidwal  na nakatulong sa pagtataguyod ng kapakanan at interes ng mga pamayanang Pilipino sa ibang bansa;

3.Gawad Kaanib ng Bayan, para sa mga banyagang indibidwal o organisasyon na nakatulong sa pagbangon, pagsulong, at pagpapaunlad ng isang sector o pamayanan sa Pilipinas, o pagtataguyod ng kapakanan ng mga pamayanang Pilipino sa ibang bansa; at

4.Gawad Pamana ng Pilipino, para sa mga Pilipino sa ibang bansa na nagpakita ng kahusayan, kakayahan, at kasipagan sa kanhlang propesyon, at sa pamamagitan nito, ay nagbigay ng karangalan sa bayan.

Maaaring magbigay ng mga nominasyon sa Pasuguan ng Pilipinas hanggang ika-6 ng gabi ng Biernes, 07 Marso 2014.

Kung may mga tanong, maari nhlang tingnan ang www.presidentialawards.cfo.gov.ph    o makipag-ugnayan sa Pasuguan ng Pilipinas (Attention: Assistant at Attaché Frederick A. Rili, at Assistant Venus R. Espiritu) sa telepono 224-1465  or 1466 ext. 207   o   208,   fax               no.   223-7707,   o   email   addresses        brunei.re(dfa.ciov.rh      at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..