MENU

Muling ihahandog sa ika-10 pagkakataon, simula noong 2008, ang Pilipino Po Ako, Mag-Aral Po Tayong mag-Pilipino, sa Punong Pasuguan ng Pilipinas sa Brunei mula Marso 11-20, para sa mga anak ng OFW na isinilang at lumaki sa Brunei.

Maari nang magpalista sa Philippine Embassy sa Simpang 336, Diplomatic Enclave, Jalan Kebangsaan, Bandar Seri Begawan, mula Feb 28 hanggang Marso 8.

Magbibigay ng diagnostic test, para masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral mula edad 6-17 taong gulang, sa Lunes, Marso, 11, sa pagitan ng alas-9ng umaga at 10:30 ng umaga lamang.

Ang libreng pag-aaral, na ginaganap kung bakasyon ng mag-aaral sa Brunei,ay isasagawa ng mga boluntaryong guro mula sa Brunei Filipino Educators Club, at ibang miyembro ng Filipino community, sa loob ng 10 araw, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng tanghali, sinabi ni program coordinator Bernadette Respicio, na kasama sa mga unang nagtatatag ng programa noong 2008.

Kabilang sa mga ituturo ang grammar, mga kuwentong Pinoy, may audio-visual show tungkol sa kultura, mga lecture sa kasaysayan ng lahi, mula noong panahon ng Kastila hanggang EDSA revolution, field trip, at pagtatanghal ng mga natutunan sa klase sa pagtatapos ng programa.

Ipapakilaa ng programa abg sariling wika, kasaysayan at kultura upang lalong palalim ang kanilang ugat ng pagkaPilipino at diwa ng pagkakakilanlan (identity), upang mahasa ang kaalaman sa wika ng mga batang Pilipio, at matulungan sila sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo at pagbabalikbayan sa Pilipinas, sinabi ng Philippine Embassy.

Maaring magdownload ng registration form mula sa website ng Philippine Embassy:Philippine-ebassybrunei.org at www.pinoybrunei.com, o makakahingi ng form sa Philippine Embasy. Kinakailangan ang dalawang larawan na pang passport kasama ang registration form na isusumite.

Para sa kargadagang detalye, kontakin sina Ms Eleanor B Belgica, Cultural and Information Officer, o si Ms Ernestine H Rili, Attache at Secretary to the Philippine Ambassador, sa (673) 2238845 o (673) 224145/2241466 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.